-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang suporta ng sa inisyatiba ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos, Jr. na paramihin ang mga mapapasukang trabaho sa bansa, ibaba ang presyo ng mga bilihin, at isulong ang kapakanan ng bawat Pilipino.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag sa kanyang pagsama kay Pangulong Marcos at iba pang opisyal ng gobyerno sa pagharap sa Filipino community sa EQ Hotel sa Kuala Lumpur, kung saan nagsimula ang kanyang tatlong araw na state visit sa Malaysia.

Sinabi ni Speaker na prayoridad ng administrasyon ang paglago ng ekonomiya upang makalikha ng mga disenteng trabaho para magkaroon ng opsyon ang mga Pilipino kung mananatili sa bansa o maghahanapbuhay abroad.

Nauna rito ay nangako rin si Speaker Romualdez na ipapasa ng Kamara ang pagpasa ng P5.768 trilyong budget para sa 2024 bago ang break sa Oktubre.

Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa Filipino community sa Malaysia sa kanilang mainit na pagsalubong sa Pangulo at kanyang delegasyon.