-- Advertisements --

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na komunikasyon mula kay Negros Oriental 3rd Dist Rep. Arnolfo Teves mula nang umapela siya na umuwi na ito sa bansa sa lalong madaling panahon.

Sa isang statement sinabi ni Romualdez, umaasa siya na susunod si Teves sa kanyang apela at bumalik na sa Pilipinas.

Giit ni Romualdez, hindi na otorisado ng Kamara ang pananatili ni Teves sa labas ng bansa dahil napaso na ang kanyang travel authority noong March 9,2023.

Nagsalita na rin anya ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na handa nilang bigyan ng seguridad si Teves pero kailangan na mag-request ang kongresista dahil hindi maibibigay ang kailangan nitong proteksiyon kung siya ay nananatiling nasa labas ng bansa.

Una rito, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio legal counsel ni Teves na gustong makipag-“reach out” ni Teves kay Romualdez at may ipararating umano itong mahalagang impormasyon sa House Speaker.

” I have yet to receive any communication from Cong. Arnie since I appealed to him to return home. I expect Cong. Arnie to heed my appeal and report for work as soon as possible. His stay outside the country is no longer authorized by the House of Representatives. Nagsalita na ang mga opisyal ng PNP. They are willing to provide security to protect him from bodily harm. All Cong Arnie needs to do is make the appropriate request. Our law enforcers cannot extend this protection outside the Philippines,” mensahe ni Speaker Romualdez.