Tiniyak ni House Speaker Romualdez kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na tutulong siya para lalo pang palakasin ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag, kasunod ng kaniyang pagdalo sa pagdiriwang ng ika-69th Philippine-American Friendship Day at ang ika-247 anibersaryo ng US Independence.
Maliban kay Romualdez, dumalo rin sa pagtitipon sina Sen. Bong Go, Finance Sec. Benjamin Diokno at Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.
Pinangunahan ni US Ambassador MaryKay Carlson ang isang reception para ipagdiwang ang Independence ng United States of America at isang toast para sa malakas na bilateral ties ng Pilipinas at Amerika.
” Americans and Filipinos share the values of liberty, equality, and justice, which form the foundation of our bilateral partnership,” pahayag ni Amb. Carlson.