-- Advertisements --
romualdez1

Nangako si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maisasabatas ang Magna Carta of Filipino Seafarers bill sa loob ng panunungkulan ni Pang Ferdinand Marcos Jr.

Ang nasabing batas aniya ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga seafarers sa buong bansa, na isa sa mga pangunahing sektor na may mataas na kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.

Ang Magna Carta of Seafarers or House Bill 7325 ay isa sa mga pangunahing panukalang batas na una nang tinukoy ni Pang. Marcos bilang priority legislation

Ayon kay sa House Speaker, nakatuon ang Administrasyong Marcos sa pagkakaroon ng isang maayos at maunlad na maritime industry sa bansa, na makakatulong para sa pag-unlad ng buhay ng mga Pilipinong marino.

Sa ilalim din ng nasabing panukalang batas, ang mga seafarers ay sasailalim sa tuloy-tuloy na skills development at training, daan upang lalo pang mapataas ang kanilang kaalaman at kasanayan. Ito ay upang

Samantala, batay sa datos ng Department of Migrant Workers, noong 2022 ay may kabuuang 489,852 Filipino seafarers na nakadeploy sa iba’t ibang katubigan sa buong mundo.

Noong 2019, nakapag-ambag ang nasabing sektor ng kabuuang $6.5Billion o katumbas ng P362Billion. Ang nasabing halaga ay katumbas na ng 1.7% mula sa GDP ng bansa nasa taong iyon.