-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na nakahanda umano ang Kamara na makipag-usap at makipagtulungan sa bawat isa upang magawa ang mga kinakailangang pagbabago sa Konstitusyon.

Itoy matapos naghain ng isang resolusyon ang Senado na naglalayong magpatawag ng Constituent Assembly upang magpanukala ng pagbabago sa 1987 Constitution.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mabago ang Konstitusyon upang makasabay ang Pilipinas sa pagbabago ng global economic landscape.

Ang pagbabago umano ay kailangan upang maabot ng ekonomiya ng bansa ang buong potensyal nito.

Ang hakbang na resolusyon na inihain sa Senado ay nakalinya rin umano sa layunin ng mga nagsusulong ng People’s Initiative na mabago ang Saligang Batas.