-- Advertisements --

Dapat umanong agarang magpatawag ng briefing ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay ng cyberattack sa mga website ng gobyerno na gawa umano ng mga Chinese hacker.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ito ay seryosong bansa sa seguridad ng bansa.

Sinabi ni DICT Undersecretary for connectivity, cybersecurity and upskilling Jeffrey Ian Dy napigilan ng mga cybersecurity experts ang pag-hack sa mga website at email address ng gobyerno ng mga cybercriminals mula sa China. Isa sa mga pag-atake ay nagtangkang ibagsak ang website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sinabi ni Romualdez na hindi dapat basta na lamang palagpasin at isantabi ang mga ganitong uri ng pag-atake.

Ayon kay Speaker Romualdez ang briefing ay maaaring gawin sa Kamara de Representantes sa lalong madaling panahon, at kung maaari ay ngayong linggo, sa mga komite ng House Committee on Public Information na pinamumunuan ni Rep. Joboy Aquino, at House Committee on Information and Communications Technology na pinamumunuan ni Rep. Toby Tiangco.

Sinabi ni Speaker Romualdez na handa ang Kamara na suportahan ang mga kinakailangang batas upang mapalakas ang cybersecurity at maproteksyunan ang bansa.