-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng kahalagahan na agad maamyendahan  ang “restrictive” economic provision ng 1987 COnstitution.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang pagtiyak ng Pangulo na suportado nito ang reporma na limitado lamang sa economic provisions at wala ng iba pa.

Ang pagsuporta ng Pangulo sa pag reporma sa Konstitusyon ay ipinahayag nito sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Constitution Day na inorganisa ng Philippine Constitution Association (Philconsa) at Manila Overseas Press Club nitong Huwebes ng gabi sa Shangrila Hotel sa Makati City.

Dagdag ng Speaker, sila’y nalulugod dahil binanggit ni Pang. Marcos Jr. ang “consistent advocacy” ng Kamara na baguhin ang mga restrictive provision sa loob ng higit tatlong dekada.

Iginiit naman ni Romualdez, kahit masabihan pa silang makulit , ididiin ng Kamara na hindi nila itinutulak ang anumang amyendang politikal sa Saligang Batas.

” The President made it clear that these provisions hinder the entry of foreign investments and the potential for faster and inclusive economic growth, which in turn could translate into a better life for every Filipino,” pahayag ni Speaker Romualdez.