Ikinalugod ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na makabuluhang taasan ang benefit package para sa mga pasyente na may breast cancer.
Inulit din ni Speaker ang kanyang panawagan na palawakin pa ang iba pang benefit packages at serbisyo para isama ang early detection ng cancer.
Pinuri ni Speaker ang anunsyo ng PhilHealth ng 1,400-percent na pagtaas sa “Z benefit package” para sa mga pasyente na may breast cancer.
Itinaas na ito ngayon mula sa P100,000 nasa P1.4 milyon na ito.
Ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapahusay ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa bansa.
Sinabi ni Speaker mahalaga na maisama sa benepisyo at serbisyo ang early cancer detection ng sa gayon magkaroon na agad ng intervention para hindi na lumala pa ang sakit at tataas ang survival rates.
Ang breast cancer ay ang pinaka karaniwang kanser sa mga kababaihan sa Pilipinas, na may pagtaas ng kaso nitong mga nakaraang taon.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang pangangailangan para sa komprehensibong suporta, kabilang ang tulong pinansyal at de-kalidad na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, ay susi upang epektibong labanan ang sakit.
Magugunita na inatasan ni Speaker Romualdez ang House Committee on Health para magsagawa ng pag review hinggil sa Philhealth Charter na layong palakasin ang benepisyo ng mga pasyente lalo ang ang early cancer detection.
Target din sa direktiba ni Speaker na taasan ang benepisyo kung saan i-cover ang 50 percent ang coast sa private hospital wards at mabigyan ng libreng examinations para sa early detection ng sakit na cancer kabilang dito x-rays para sa lung cancer, mammography para sa breast cancer, at HPV vaccine para maiwasan ang cervical cancer.