Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang ground breaking para sa construction ng Philippine Cancer Center sa Quezon City.
Sinabi ni Romualdez, nais ng Marcos Jr. administration na mabigyan ang mga kababayan natin na may sakit na cancer ng comprehensive, accessible and affordable healthcare.
” Ito po ang misyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Ito ang misyon na pinagtutulungan nating bigyan ng buhay ngayong araw,” pahayag ni Speaker Martin Romualdez.
Ang House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co ay naglaan ng pondo para maibigay ang fixed assets and critical services ng Philippine Cancer Center.
Ayon kay Romualdez, magastos at mahabang gamutan ang cancer na itinuturing na “second leading cause of death” ng mga Pilipino.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Romualdez ang Philippine Cancer Center ay magsisilbing “sanctuary for healing and hope” at bibigyan din sila ng mga world-class na mga duktor at nurses na sasanayin at bibigyan ng kailangang suporta.
Ang Center ay magkakaroon ng housing facilities para sa kamag-anak ng mga cancer patients na nag-aalaga sa kanila at ipapailalim sa training ang mga duktor mula sa mga probinsiya.
Ang itatayong Philippine Cancer Center ay 20-story at magiging kahalera ng mga special hospitals sa East Avenue gaya ng Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center at iba pa.
” Hindi lamang natin bibigyan ng ospital ang mga may sakit ng kanser. Bibigyan din natin sila ng mga world class na doctors at nurses na sasanayinnatin at bibigyan ng kailangang suporta,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Ang Canter Center ay mayruong 20-story, cutting-edge facility na siyang magkukumpleto sa isang medical complex na itinayo ng unang Marcos administration kung saan magkakatabi ang mga especialty hospitals.