-- Advertisements --

Disidido si House Speaker Martin Romualdez na buwagin ang cartel ng sibuyas sa bansa at ang mga nasa likod nito mahaharap sa mabigat na parusa.

Pinulong ni Speaker Romualdez ang ilang mga mambabatas kasama ang mga opisyal ng Bureau of Plant Industry (BPI) na layong bumuo ng mga polisiya at reporma para tuluyan ng mabuwag ang kartel ng sibuyas na siyang responsable sa pag manipula sa supply at presyo ng sibuyas sa bansa.

Nagbabala naman si Romualdez duon sa mga profiteers kabilang ang mga local traders at iba pang players sa onion industry na patuloy na mag take advantage sa mga consumers ay mahaharapnsa mabigat na parusa.

Nangako naman si Bureau of Plant and Industry Director Gerald Glenn Panganiban na kanilang isusumite ang mga isusulong nilant polisiya at reporma para maiwasan na ang price manipulation ng mga agricultural products, partikular sa sibuyas.

Binigyang-diin naman ni Romualdez ang kahalagahan na palakasin ang produksiyon ng sibuyas sa bansa para mabawasan na rin ang pag-import nito sa ibang bansa.

Sa panig naman ng BPI, isa sa kanilang tinitignan ay ang paggamit sa mga bakanteng lupain ng Bureau of Corrections na pagtataniman ng sibuyas.

Iminumungkahi din ni Rep. Elizaldy ko ang paggamit ng fertigation technology.