Hindi naglabas ng pahayag si Speaker Martin Romualdez hinggil sa isyu ng umano’y planong pagpapatalsik sa kaniya at maging sa pagbibitiw ni Vice P resident Sara Duterte bilang Lakas CMD member.
Subalit ang Lakas CMD kung saan si speaker ang party leader ay naglabas ng statement hinggil sa pagkalas ni VP Sara Duterte sa partido.
Ayon sa Lakas CMD kanilang nirerespeto ang naging desiyon ng pangalawang Pangulo at nagpasalamat sa kaniyang kontribusyon sa partido.
Sa panig naman ni dating Pangulo GMA, itinanggi nito ang ulat na siya ang nagunguna sa pagpapatalsik sa pwesto kay Speaker Romualdez.
Sa pahayag ni Arroyo na hindi na niya inaasam pa na maging speaker of the house uli matapos italaga si Speaker Martin Romualdez nitong 19th congress.
Subalit ibinunyag din ni Arroyo na nagkaroon din siya ng ambisyon nuon na maging pinuno ng Kamara ng manalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay report na nakuha ng Bombo Radyo mula sa ilang mga reliable sources nabatid na karamihan sa mga mambabatas ay loyal kay Speaker Romualdez at suportado ang administrasyong Marcos.
Ilang source din ang nagsabi lumapit umano ang mambabatas sa ilang congressmen kaugnay sa planong pagpapatalsik sa pwesto kay Romualdez subalit tinanggihan umano agad ito.
Nabatid na nahihirapan umano ang dating Pangulo na kumuha ng suporta sa Kamara ngayon bukod sa mga die hard followers nito nuong siya pa ang naka upo sa Malakanyang.
Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng suporta ang ibat ibang political party at party list groups kay Speaker Martin Romualdez at sa administrasyon ni Pang. Marcos.
Kabilang dito ang Nationalist Peoples Coalition, Party-List Coalition Foundation Inc., Nationalista Party at PDP-Laban.
Sa panig naman ni Albay Representative Edcel Lagman na ang pag-alis sa pwesto kay Rep. Arroyo at ang pagbibitiw ni VP Sara ay mayruong kaugnayan o kuneksiyon.
Si Lagman ang siyang pinuno ng Liberal party, dagdga pa nito na ang positioning at contest para sa 2028 presidential elections ay nagsimula na bago pa man ang 2025 mid-term elections.
Naniniwala si Lagman na mayruong epekto sa revamp ng gabinete ng Pangulo.