Binati ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-66 na kaarawan kasabay ng pagpapaalala sa mga mabubuting nagawa nito sa bansa.
“Happy Birthday, President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.!” mensahe ni Speaker Romualdez.
Ayon kay Speaker Romualdez ang liderato ng Pangulo ay nagpapakita ng kaniyang strong commitment para mapabuti pa ang kalagayan ng buhay ng mga Pilipino.
Si Romualdez ay palaging kasama ng Pangulo sa mga opisyal na lakad nito sa bansa at sa ibang bansa mula ng magsimula ang 19th Congress noong Hunyo 30, 2022. May ilan na nagsasabi na si Speaker Romualdez ang pinaka pinagkakatiwalaang kaalyado ng Pangulo.
Dahil dito nakita ni Speaker Romualdez ang dedikasyon at pagpupursige ng Pangulo upang maalis ang mga Pilipino mula sa epekto ng Covid-19 pandemic sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng kanyang 8-point socio-economic agenda.
Subalit ayon kay Speaker nararapat din umanong maramdaman ng Pangulo ang kanyang espesyal na araw.
Ipinagdiriwang ni Pang. Marcos ang kaniyang 66th birthday ngayong araw.