-- Advertisements --
Pumanaw na ang Spanish singer na si María Mendiola sa edad 69.
Kinumpima ng kaniyang bandmate na si Cristina Sevilla ang kamatayan ni Mendiola sa kanilang bahay.
Hindi naman na nito binanggit ang sanhi ng kamatayan ng singer.
Binuo ni Mendiola ang Spanish Duo na Baccara noong 1977 kasama si Mayte Mateos.
Kapwa kasi mga flamenco dancer ang dalawa na nagbibigay entertainment sa isla ng Fuerteventura.
Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Yes Sir, I Can Boogie”.