-- Advertisements --

Nanawagan si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez sa ibang mga bansa na dapat sundin din ang kanilang ginawa na kilalanin bilang estado ang Palestine.

Ang hakbang ay unang ginawa na rin ng mga bansang Norway at Ireland kung saan ito ay tanging daan para makamit ang tunay na kapayapaan.

Nitong Martes ay inaprubahan na ng Spanish cabinet ang nasabing panukala kung saan nauna ng naging epektibo ang Norway at inaasahan na susunod na rin ang Ireland.

Dagdag pa nito na wala silang kinakampihan dahil sa parehas nilang kasamahan ang Palestine at ang Israel.