Nasungkit ng koponan ng Spain ang gintong medalya sa FIBA EuroBasket laban sa karibal nilang France, 88-76.
Ang nasabing panalo ng Spain ay ang kanilang ika-apat na European Championship sa loob ng anim na taon.
Ang mga NBA players na sina Juancho Hernangomez ay umiskor ng 27 points, habang ang kanyang kapatid na si Willy Hernangomez ay nagdagdag ng 14 at siya pa ang napili bilang MVP sa torneyo.
Kumamada rin naman si Lorenzo Brown ng 14 points at 11 assist at si Jaime Fernandez naman ay may 13 points.
Ang lahat ng gold medals ng Spain ay sa ilalim ni coach Sergio Scariolo.
Samantala, minalas pa rin ang France kahit nanguna sa game ang NBA star na si Evan Fournier ng Knicks na may 23 points.
Kung maalala nabigo rin ang France sa gold-medal game sa Tokyo Olympics noong huling summer.
Nasayang rin ang ginawa ni Thomas Heurtel na may 16 at si Guerschon Yabusele ay nagpakita ng 13.
Nagdagdag naman ng six points ang isa pang NBA player na si Rudy Gobert ng Minnesota Timberwolves para sa France ngunit bigo pa ring manalo.
Hindi naman nakalaro sa team ng Spain si Sergio Llull at NBA veteran na si Ricky Rubio dahil sa injuries.
Sa ngayon ang Spain ang kinikilalang reigning Basketball World Cup at EuroBasket champion.
Una nang nakahakot ang Spain ng medalya sa 10 mula sa 11 EuroBasket appearances. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)