-- Advertisements --

Binatikos ni Spain football star Aitana Bonmatí ang pangulo ng kanilang football team.

Kasunod ito sa kontrobersiyang kinaharap ni Spanish football federation president Luis Rubiales ng halikan niya ang si football forward Jenni Hermoso matapos na magkampeon ang nasabing bansa sa FIFA Womens World Cup.

Sa pagtanggap ni Bonmati sa UEFA Women’s Player of the Year Award, na ang natakpan ng ginawa ni Rubiales ang kanilang nakamit na kampeonato.

Nanawagan ito sa mamamayan na dapat hindi hayaan ang mga nagaganap na kahalintulad na pang-aabuso.

Kinilala kasi ng European football governing body ang nasabing midfielder dahil sa malaking papel nito para makuha ng Spain ang kanilang kampeonato sa FIFA World Cup.

Magugunitang pinapababa na puwesto ng FIFA si Rubales dahil sa ginawa nitong paghalik sa football player.