-- Advertisements --
migz zubiri3

Binigyang diin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kung maaari ay ang Japan na lamang sana ang humawak ng mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas na popondohan sana ng China.

Ginawa ng pinuno ng Senado ang mga pahayag bago ang pagbisita ng Prime Minister ng Japan na si Fumio Kishida sa Pilipinas, kung saan magkakaroon ng talakayan sa Kongreso sa isang joint session.

Ang naturang joint session ay inaasahan sa araw ng Sabado.

Dagdag dito, inaasahan ni SP Zubiri na maihayag ni Kishida ang pagsusulong sa Reciprocal Access Agreement (RAA) sa Pilipinas.

Ito ay upang pahintulutan ang mga militar na magkaroon ng pagsasanay sa Japan.

Gayundin na magkaroon ng mas mainam na kooperasyon at interoperability ang dalawang nasabing bansa.