Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Lunes, Marso 23, na wala pang natatanggap na enrolled bill ang Senate of the Philippines kaugnay ng panukalang magbibigay sa Pangulo ng kapangyarihang mag-suspend o magbaba ng excise tax sa produktong petrolyo.
Ayon kay Sotto, wala pang transmittal mula sa House of Representatives of the Philippines kahit na na-adopt na nito ang bersyon ng Senado noong Marso 18, kasunod ng 17-0-0 na botohan sa Senado.
Nilinaw niya na siya pa lamang ang pipirma kapag natanggap na ang enrolled copy bago ito ipadala sa Pangulo.
Layunin ng panukala na bigyan ang Malacañang ng kapangyarihang pansamantalang magbaba o magsuspinde ng fuel excise tax upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis. (report by Bombo Jai )
















