-- Advertisements --

Pumanaw na ang country at Southern rock legend na si Charlie Daniels sa edad 83.

Ayon sa kaniyang website, nalagutan ng hininga ang Country Music Hall of Famer sa Summit Medical Center ssa Hermitage, Tennessee dahil sa hemorrhagic stroke.

Nagsimula ang career niton nong 1950 at dahil sa galing nito sa pag-gitara, fiddle at banjo ay bumuo ito ng banda.

Gumawa siya ng kanta kasama si Elvis Presley at nabuo ang kantang “It Hurts Me”.

Naging bahagi rin siya na humawak ng musical instruments sa mga kanta nina Bob Dylan at Leonard Cohen.

Taong 1971 ng pumatok ang kanta nitong “Uneasy Rider” hanggang ginawa ang kantang “The Devil Went Down to Georgia”