-- Advertisements --
image 165

Inanunsiyo ng Department of Tourism (DOT) na ang South Korea ang nangungunang pinagmumulan ng mga turista na bumibisita sa ating bansa ngayong taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco naungusan na ng South Korea ang Amerika na nanguna noong 2022 pagdating sa foreign tourist arrivals.

Sa ngayon umaabot sa mahigit 1.5 million tourist arrivals sa Pilipinas at ang numero unong top source market ay ang mga Korean national.

Iniulat pa ni Frasco na ang mga turista mula sa South korea ay dumarating sa bansa kada araw at patuloy din na tumataas sa araw-araw.

Bagamat hindi natukoy ng DOT official ang kasalukuyang naitala na tourist arrivals mula sa South Korea ngayong taon, sinabi naman ng opisyal na base sa kanilang datos nagpapakita ito ng significant na pagsipa ng Korean arrivals simula pa noong nakalipas na taon.

Mula aniya noong Pebrero 10, 2022 o mula ng tanggalin ng bansa ang travel restrictions hanggang noong Disyembre 31, 2022, mayroong 428,014 South korean ang bumisita sa bansa.