-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naka-lockdown na ang mga simbahan ng religious group na Shincheonji matapos kumalat ang coronavirus sa Daegu City, South Korea.

Ito ang sinabi ni Elizabeth Dulay, residente ng Gwangju province sa South Korea sa panayam ng Bombo Radyo.

Ayon kay Dulay, mismong South Korean government ang nagpatupad ng nasabing hakbang para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa kabila nito, aminado umano ang mga otoridad na pahirapan ngayon ang pagtukoy sa mga miyembro ng simbahan dahil hindi umano sinasagot ng mga ito ang kanilang sa contact tracing.

Sinasabi kasi na sa naturang simbahan ng siyudad kumalat ng malala ang novel coornavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Iniurong naman sa March 23 ang pagbubukas ng school year sa mga paaralan.

Katulad sa ibang bansa, halos isinara na rin aniya ang lahat ng mga opisina bunsod ng sakit.

Samantala, nagtutulungan na ang lahat ng mga sektor at kumpanya sa paggawa ng facemask upang masolusyonan ang shortage nito.

Nabatid na nasa mahigit 28,000 ang naitalang persons under investigation sa South Korea matapos ang outbreak ng COVID-19.