-- Advertisements --

Pumanaw na ang South Korean actor at dating model na si Lee Yong Joo sa edad na 44.

Kinumpirma ng kaniyang kaanak kung saan inatake sa puso ang aktor.

Unang pumasok sa showbiz ang aktor sa kalagitnaan ng dekada 2000.

Nakilala ito sa pagganap sa mga dramas gaya ng “Princess Hours” at comedy series na “Ugly Miss Young Ae”.

Nakatakda naman ang cremation at libing sa bangkay ng aktor sa Agosto 31 sa Seongnam Municipal Crematorium.