Nagpahayag ng pagsuporta ang South Korea para pondohan ang mga proyekto ng bansa para sa digital transformation.
Sa isang statement sinabi ng South Korean Embassy sa Pilipinas na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa Pilipinas sa pagtataguyod ng digital transformation sa bawat sektor kabilang na ang pagbibigay ng e-skill education at training, IT, infrastructure at digital economy.
Ayon pa sa Embassy of the Republic of Korea in the Philippines, sa pakikipagpartnership nito sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ay kabilang sa pinag-aaralan para sa pagpapalawig pa ng broadband infrastructure sa Luzon.
Sa ngayon ayon sa embahada, nagsasagawa ng $550,000 feasibility study para sa pag-expand ng National Broadband Infrastructure sa Ilocos, Cagayan valley, MIMAROPA at Bicol.
Suportado din ng South Korea ang pagtataas ng household wired internet connection sa mga paaralan, ospital at local government agencies.
Noong May 2019, ang South Korea ang nanguna sa buong mundo pagdating sa mobile download speed ayon sa Ookla’s Speedtest Global Index na may mean download speed na 76.74 kasunod ng paglulunsad ng 5G sevices noong Abril ng kaparehong taon.
Liban pa dito, magbibigay din ang South korea ng $50 million para sa proyekto ng pag-install ng e-invoicing sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa Bureau of Internal Revenue at Department of Finance.