-- Advertisements --

Kinumpirma ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff ang panibago na namang pagpapakawala ng short-range ballistic missile ng North Korea na nagmula sa North eastern coastal Wonsan area.

Ang panibagong hakbang ay ginawa ilang oras matapos na magbanta ang mga North Korean officials ng maigting na military actions bilang sagot daw nila sa probokasyon ng Amerika, South Korea, at Japan.

Sinasabing ang panibagong ballistic missile ay nag-landing sa karagatan sa eastern part ng Korean Peninsula.

Kaugnay nito, lalo namang pinalakas ng South Korean government ang surveillance sa katabing North Korea bilang paghahanda ng kanilang military readiness sa anumang pag-usbong ng krisis kung sakali.

Marami namang eksperto ang nagsasabi na inaasahan na nilang ang bantang nuclear warfare ng North Korea upang makahingi ng mas malaking pabor laban sa mga karibal.

Tiniyak naman ng South Korea Defense Ministry na ang kanilang security cooperation kasama ang Washington at Tokyo ay pinaigting pa bilang bahagi ng nuclear deterrence.