-- Advertisements --
Nagkumahog ang fighter jets ng South Korea matapos ang pagdaan ng dalawang Chinese at apat na Russian military fighter jets sa kanilang defense zone.
Ayon sa Joint Chief of Staff ng Seoul na dumaan ang nasabing mga eroplano ng China at Russia sa Korea Air Defense Identification Zone (KADIZ) sa East Sea.
Walang anumang pagsakop na naganap anila kung saan agad na natukoy ng South Korea ang pagkakakilanlan ng mga eroplano.
Itinuturing naman ni Chinese foreign ministry spokeswoman Mao Ning na isang uri ng routine flight activity ang nasabing hakbang.
Ang China at Russia kasi ay kaalyado ng North Korea kung saan nagbabala ang US na ang alyansa ng Russia at North Korea ay lalong lumalago.