-- Advertisements --

Nagkumahog umano ang South Korea air force matapos ang pagpasok sa kanilang air defense identification zone ang dalawang strategic bomber plane ng Russia.

Ayon sa South Korea, agad na inalalayan ng kanilang F-16 fighter jets ang dalawang Russian Tu95 bomber na lumipad sa ibabaw ng Korean peninsula na sakop din ng Japan.

Paliwanag ng South Korea’s Joint Chief of Staff ang nasabing hakbang ay para maiwasan ang anumang maaring sagupaan nila ng Russia.

Naganap ang nasabing insidente ilang araw matapos ang isinagawa ng US at South Korea military training bilang paghahanda sa nuclear threat ng North Korea.

Paglilinaw naman ng Russia na nagpatrolya ang kanilang eroplano sa neutral waters sa ibabaw ng Sea of Japan.