-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Itinuturing ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng South Cotabato ang lalawigan bilang isang “special concerned area.”

Ayon kay IPHO head Dr. Rogelio Aturdido, ito’y dahil ang South Cotabato ang may pinakamaraming bilang ng mga naitalang mga kaso sa buong rehiyon.

Maliban dito, kinumpirma rin ng opisyal ang pagkakaroon ng local transmission sa buong lalawigan mula sa bayan ng Polomolok hanggang naitala rin sa mga karatig bayan.

Sa ngayon ay iniiwasan umano nila sa ngayon na sustained community transmission, kung saan hindi nila alam kung kanino o sino ang nadapuan ng naturang virus.

Batay sa latest na datos ng Department of Health Region 12 (DoH-12), pinakamarami ang South Cotabato na may 137 na kaso; sinusundan ng General Santos City na may 86; Sarangani, 83; Sultan Kudarat, 82; North Cotabato, 65 at Cotabato City na mayroong 60 naitalang kaso.