BACOLOD CITY – Nagbunyi ang South Africa matapos na hirangin bilang Miss Universe 2019 ang kanilang pambato sa prestiheyosong pageant na si Zozibini Tunzi, na tubong Eastern Cape.

Sa panayam ng Star FM Bacolod sa kabigan ni Zuzbini na si Than Mande sinabi nitong umingay ang buong paligid kahit alas-4 ng umaga na sa kanila matapos ianunsyo ang pagkakapanalo ng pambato ng kanilang bansa.

Halos lahat aniya ay nagpuyat para lamang matutukan ang pagsabak ni Zuzibini sa stage.