Nagkita sina Senate President Vicente Sotto III at Speaker Lord Allan Velasco ngayong araw para talakayin ang pendeing legislative measures sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sa bahagi ng Kamara, target ng mababang kapulungan na aprubahan ang proposed Bayanihan 3 at ang Resolution of Both Houses No. 2 sa ikatlo at huling pagbasa bago pa man ang kanilang sine die adjournment ngayong linggo.
Sinabi naman ni Sotto na ang bayanihan 3 at ang panukalang amiyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution ay hindi kasama sa mga prayoridad ng Senado bago sila mag-adjourn ng session sa Hunyo 4.
Napag-usapan din ng dalawang opisyal ang dalawang posibleng scenario sa State of the Nation Address (SONA) naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.
Nauna nang sinabi ni Velasco na ang SONA ngayong taon ay magkakaroon ng kaparehong setup katulad nang nangyari noong nakaraang taon kung saan nilimitahan ang bilang ng mga attendees dahil sa COVID-19 pandemic.