-- Advertisements --
Ikinagulat ni Senate President Vicente Sotto III ang pagbanggit sa kanyang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling State of the Nation Address (SONA) nito.
Magugunita na tinawag ni Pangulong Duterte si Sotto na isang “good man” at magiging “good vice president” kung sakali.
Ayon kay Sotto, bago pa man humarap si Pangulong Duterte sa mga bisita nito sa kanyang SONA ay nagka-usap na silang dalawa.
Sa kanilang pag-uusap ay binibiro-biro rin na siya ni Pangulong Duterte.
Matatandaan na pagkatapos ng SONA ni Duterte ay nilinaw ng Malacanang na hindi iniendorso ng Pangulo si Sotto para sa halalan sa susunod na taon.