-- Advertisements --

Naniniwala si House Speaker Lord Allan Velasco na maaring sa kaparehong set-up noong nakaraang taon ang mangyayari sa final State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa issue pa rin sa COVID-19 pandemic.

Kung mangyayari ito, kakaunti lamang ulit ang aanyayahan na dumalo ng pisikal sa SONA na gaganapin sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City.

Ito ay para na rin matiyak ang kaligtasan hindi lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ng lahat na ring posibleng dadalo sa huling SONA nito.

Sa ilalim ng Saligang Batas, obligado ang Presidente na maglahad ng kanyang SONA bago ang joint session ng Kongreso sa ika-apat na Lunes ng Hulyo para i-report ang estado ng bansa at ng agenda rin ng pamahalaan.