-- Advertisements --

Umaapela ang bansa ng Somalia sa mga bansa na sila ay tulungan matapos ang dalawang car bombing sa Mogadishu na ikinasawi ng 100 katao.

Ayon kay President Hassan Sheikh Mohamud na kailangan nila ng mga doctors para matulungan ang mga sugatang bikitma.

Nagbabala pa ito na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga masasawi dahil sa kakulangan ng mga gamot at kagamitan sa mga pagamutan.

Isa kasi ang Somalia na may pinakamahinang health systems dahil sa ilang dekadang kaguluhan sa nasabing bansa.