Hati ang ilan sa mga kongresista sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa United States.
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, hindi na nakakagulat pa ang hakbang na ito ni Duterte kasi kung titingnan ay hindi naman talaga seryoso ang Pangulo sa abrogation ng kasunduan sa America.
Makikita naman sa unang bahagi pa lang aniya ng Duterte administration ang “Janus-faced foreign policy” nito.
Ang dapat na pagbasura sa VFA ay isa lamang din aniyang pagyayabang ni Duterte sapagkat malayong-malayo ang foreign policy ng Pilipinas pagiging independent.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Majority Leader Martin Romualdez sa desisyon ni Pangulong Duterte.
Lalo lamang aniya kasing papalakasin nito ang bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Nakikita naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na makakatulong sa defense at security interest ng Pilipinas ang desisyon ni Pangulong Duterte.










