Kinontra ng isang mambabatas ang naging pahayag ng isa sa mga framers ng 1987 Constitution na si Christian Monsod na posible raw maging ugat ng corruption ang isinusulong ng economic charter-chage (cha-cha)

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., chairman ng House Committee on Constitutional Amendments sa Kamara, sinabi nitong ang mga framers din mismo ng 1987 constitution ang nagbigay ng kapangyarihan sa Kamara na amiyendahan ang konstitusyon.

Ipinaliwanag din nitong ang economic cha-cha lamang ang focus ng ammendment at mayroon namang itong safeguards.

Una rito, sa Senate constitutional amendments committee public hearing, nagbabala si Constitutional Commission member Christian Monsod na maging ugat ng corruption sa mga mambabatas ang economic provision ng cha-cha na mas malaki pa raw sa pork barrel.

Paliwanang ni Monsod magkakaroon na kasi ng kapangyarihan ang palitan o palabnawin ang constitutional limitations sa foreign ownership ng mga lupain, natural resources, public utility, media, advertising at educational institutions.

-- Advertisement --