Hinimok ng isang kongresista ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang P18 billion na utang nitp sa mga accredited hospitals sa bansa.
Sa ilalim ng House Resolution No. 970 na inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sinabi nito na ayon sa Philippine Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) aabot sa P14 billion ang utang ng PhilHealth sa kanilang mga miyembro hanggang noong Disyembre 2018 at karagdagang P4 billion pa noong 2019.
Iginiit ni Rodriguez na dapat bayaran kaagad ng PhilHealth ang pagkakakautang nito sa mga ospital lalo pa ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Hindi aniya dapat maantala ang operasyon ng mga ospital o magresulta sa pagkakatanggal ng kanikanilang medical personnel dahil sa hindi pagbabayad ng PhilHealth ng pagkakautang nito.
“As an example, the University of Sto. Tomas Hospital has reduced its manpower and implemented cost-efficiency measures following ‘significant losses’ inflicted by the COVID-19 pandemic and the delay in PhilHealth payments,” ani Rodriguez.
Sa ngayon, 733 ospital ang bumubuo a PHAPi, na mayroong total bed capacity na mahigit 44,700 beds.