-- Advertisements --

Nananawagan si House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate sa Duterte administration na dipensahan ang environment at resources ng Pilipinas laban sa exploitation na ginagawa ng China.

Malaki na kasi aniya ang environmental damage na nagawa sa Pilipinas at sa natural resources ng bansa ang “expansionist” at “militaristic” base building ng China sa West Philippine Sea.

Dapat ngayon pa lang ay kumilos na ang Duterte administration para pigilan ang environmentally degrading activities ng China sa teritoryong sakop ng Pilipinas bago pa man wala nang matira para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino, ayon kay Zarate.

Makailang ulit na rin aniyang sinabi ng environmental at scientist groups tulad ng Kalikasan, Agham at Homonhon ang tungkol sa mapinsalang aktibidad ng China sa West Philippine SEa.

Isa na rito ang sinabi ng Agham kung saan 16,000 hectares na bahura na ang nasira ng China sa West Philippine Sea noong 2017.

Tinatayang aabot aniya ito ng P33.1 billion sa kada taon kapag magpatuloy ang encroachment ng China sa lugar.

Nababahala naman ang Homonhon na posibleng 240,000 kilos, o mahigit 260 tonelada, ng isda ang kinukuha ng Chinese fishing vessels na nagsulputan at kumalat sa Julian Felipe Reef simula noong Marso.