-- Advertisements --
Pinuri ni 1-RIDER Partylist Rep. Rodge Gutierrez ang Philippine Coast Guard sa maagap nitong aksyon para mapigil ang iligal na reklamasyon ng China sa Escoda Shoal.
Binuweltahan din ng mambabatas ang China na kilala sa paggawa ng mga pekeng produkto na ngayon naman ay gumagawa ng artipisyal na isla.
Giit ng mambabatas ang Escoda Shoal ay malinaw na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Pinuna rin nito ang napaulat na pagpapadala ng fleet blockade ng China sa Panatag shoal para harangin ang Peace and Solidarity Regatta ng Atin Ito Coalition.