-- Advertisements --

Hiniling ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza ang kooperasyon at tulong ng mga kapwa mambabatas sa pagbuo ng agricultural self-sustainability legislation sa halip na umasa sa mga stopgaps para tugunan ang isyu sa food security.

Ginawa ni Daza ang pahayag matapos ipatupad kamakailan ng Department of Agriculture-Sugar Regulatory Administration (DA-SRA) ang pagbebenta ng abot-kayang asukal sa halagang P70/kilo sa mga mamimili sa ilang lugar.

Ipinunto ni Daza na bagama’t “kapuri-puri” ang ginawa ng DA-SRA sa kanilang pagkilos, pinaalalahanan niya ang publiko na ang panukala ay “isang stopgap lamang sa mas malaking isyu, ito ang self-sustainability ng ating sektor ng agrikultura.

Sinabi ng mambabatas na ang pangmatagalang solusyon ay dapat matiyak na ang mga Pilipino ay “less vulnerable” laban sa global crisis o paggalaw ng dolyar.

Iminungkahi ni Daza, na ang mga house members ay maaaring magsimula sa kani-kanilang mga distrito gaya ng ginawa ng mambabatas sa kaniyang Unang Distrito ng Northern Samar na magkaroon ng investment na nasa higit P100 milyon para sa mga farm to market roads at irrigation projects.

“As representatives of the people, we are called to be the architects and stewards of our own agricultural capabilities,” Daza added. “Let’s work together to secure a sweeter future for Filipino farmers and families,” pahayag ni Rep. Daza.