-- Advertisements --

Tiniyak ni House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega na magpapatuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng mga petisyong inihain sa Korte Suprema.

Ayon kay Ortega, hindi awtomatikong napipigil ng mga petisyon ang proseso hangga’t walang utos ang SC tulad ng temporary restraining order. 

Iginiit niyang sumusunod ang komite sa Konstitusyon, House rules, at ebidensya.

“Hindi kami naaapektuhan ng mga petisyon. Tuloy ang proseso hangga’t walang utos na pumipigil dito,” Ortega, endorser of the 4th impeachment complaint. The Committee remains unperturbed. We will proceed based on the Constitution, the rules, and the evidence before us,” pahayag ni DS Ortega. 

Dagdag pa niya, magpapatuloy ang mga pagdinig ayon sa iskedyul bilang bahagi ng mandato ng Kamara at upang mabigyan ng pagkakataon ang Bise Presidente na maipagtanggol ang sarili.

Binigyang-diin din ni Ortega na ang proseso ay nakatuon sa due process at patas na pagdinig para sa lahat ng panig.

“The House is simply discharging its duty—nothing more, nothing less. Ito na ang pagkakataon para maipresenta ang kanyang panig. Kung sinasabi niyang inosente siya, narito ang tamang forum para patunayan iyon,” wika ni Ortega.