Binalaan ng isang leader sa House of Representatives si Senate Majority Leader Joel Villanueva na huwag masyadong mayabang at arogante dahil lingid sa kaalaman ng lahat na nasangkot din naman siya Philippine Development Assistance Fund (PDAF) Scam kasama ang infamous na Janet Napoles.
Pinayuhan ni House Appropriations Committee chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co si Villanueva na huwag naman nito mailiitin ang mga miyembro ng Kamara kung saan kinumpara para pa nito ang Kamara at Senado bilang apples and oranges.
Sinabi ni Rep. Co, na si Senator Joel Villanueva ay isa naman dating party-list representative pero ang naging asta nito ngayon ay masyado ng mayabang sa kaniyang pananalita.
“Kilala naman ho natin si Senator Joel Villanueva kung sino siya eh. Siya ho ay dating na-perpetually disqualified sa desisyunan ng Ombudsman. Pero mukhang na-apela ho niya. Pero alam po natin na nali-link pa siya kay [Janet] Napoles,” pahayag ni Co.
Giit ng Kongresista tila na swertehan lamang ang Senador dahil bestfriend nito si dating Pang. Noynoy Aquino dahil hindi naman nabatid kung paano siya nanalo sa kaso.
Binigyang-diin ni Co na hindi niya lubos maisip kung bakit naglalabas ito ng mga maaanghang na salita laban sa mga miyembro ng kamara na dati ay naging mambabatas din ito.
Dagdag pa ni Rep. Co, si Villanueva ay isang virtual nobody bago ang kanyang appointment bilang pinuno ng TESDA ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Nanalo siya bilang senador noong 2016.
Ngunit noong 2016, lumabas ang noo’y Ombudsman na si Conchita Carpio Morales ng utos na sibakin si Villanueva sa Senado dahil sa umano’y pagdadala ng P10 milyon ng kanyang PDAF allocation bilang CIBAC partylist congressman sa isang bogus NGO.
Si Villanueva ay hinatulan ni Morales na nagkasala ng “grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the interest of the service,” ngunit nanatili sa kanyang puwesto sa Senado sa argumentong ninakaw ang kanyang pagkakakilanlan upang pumirma sa maanomalyang paggamit ng pondo.
Gayundin, nakita ng Commission on Audit (CoA) ang mga anomalya laban sa TESDA noong si Villanueva ang director general nito.
Nilabag umano ni Villanueva ang isang TRO ng Korte Suprema na nagdedeklarang labag sa konstitusyon ang PDAF nang singilin niya ang P49 milyong halaga ng pagsasanay at pagtatasa sa PDAF, sabi ng COA sa isang 2014 audit report.
Gayundin, sinabi ni Co na pinag-iisipan ng ilang miyembro ng House of Representatives ang pag-urong ng kanilang suporta kay Villanueva.