Inihain ni Cebu 3rd District Representative Pablo John Garcia ang isang panukalang batas na layong atasan ang lahat ng public at private offices na tumanggap ng isang valid ID lamang para sa lahat ng transaksyon.
Sa nasabing House Bill 10973, nakapaloob ang 19na uri ng identification na maaaring tanggapin ng mga opisina sa gobyerno at pribadong sektor bilang valid proof of identity.
Ngunit maaaring manghingi ang isang opisina ng karagdagang ID para maging sapat sa gagawing transaksyon basta’t bawal ang paghingi ng higit sa isa.
Ang sinumang tumanggi na tanggapin o kilalanin ang ipiprisintang isang valid ID ay maaaring pagmultahin ng kalahating milyong piso.
Samantala, ang mga mahuhuli naman na gumamit ng government IDs para sa mapanlinlang na transaksyon o pineke ang ID ay posibleng makulong ng hanggang tatlong taon o magmumulta ng hanggang tatlong milyong piso.
Ipinaliwanag ni Garcia na sa kabila ng pag-iral ng batas na lumilikha sa Philippine Identification System at PhilSys ID ay marami pa ring hinihinging required ID ang mga ahensya at pribadong establisimiyento.
Pabigat aniya ito sa publiko dahil maaaring wala silang oras o resources na mag-apply ng partikular na ID na inoobliga ng ahensya o private business.
Ipinapanukala din ng batas na sinuman o opisinang tumanggi na tanggapin ang anumang mga IDs ay mapapatawang ng multa ng hanggang P500,000.