Hinimok ni Northern Samar 1st District Rep. Paul Ruiz Daza, sa mga kapwa mambabatas at sa concerned departments partikular ang Professional Regulatory Commission (PRC) na para rebyuhin na ang polisiya sa licensure examinations at procedures.
Sa privilege speech ni Rep. Daza, ibinunyag nito ang mababang passing rates.
Batay sa datos mula sa Professional Regulation Commission (PRC) na nagsasaad sa passing rate sa 36 professions mula sa taong 2017 hanggang 2022 ay nasa 40.81%.
Partikular na tinukoy ng mambabatas ang Certified Public Accountants (CPA), fishery technologists, at agriculturists ay mababa nasa 24.36%, 33.18% at 36.92% passing rates, respectively.
Inihayag ni Daza na hindi ang mga estudyante ang dapat sisihin sa mababang passing rate, kundi ang CHED, PRC at ang society in general.
Sabi ng mambabatas ang mga nasabing board exams ay anti-student, anti-poor, at arbitrary.
Paliwanag ni Daza, panahon na para maghanap ng solusyon at ikunsidera ang ibang mga alternatibo sa “Licensing routes” kung saan maaaring maka kuha ng lisenya ang isang professional na hindi na kukuha ng examination.
Naniniwala ang mambabatas na ang nasabing paraan ay mas magiging accessible sa mga profesionals na hirap sa pagkuha ng examinations dahil sa personal, practical at economic reasons.
Nananawagan naman si Daza sa mga kapwa mambabatas na maghain na ng panukala para sa licensing alternatives na naaayon sa kasalukuyang sitwasyon ng mga average Filipino.
“Pahirapan na nga ang pagtatapos sa elementary at high school, pati ang pagpasok sa college, aba’y pagdating pa ng board exam—kahit magkanda-baon-baon sa utang ang pamilya para lang may pang pang-review center—ay kailangan pang lumusot sa isa pang butas ng karayom ang ating mga graduates? Many of these graduates are from poor and disadvantaged groups and it is truly disheartening that they could not pursue their much-sought profession because they could not pass the board exams,” pahayag ni Daza.
Isa sa alternative licensure paths na isinusulong ni Daza ay sa pamamagitan ng apprenticeship program.
Umaasa si Daza na ikukunsidera ng kaniyang mga kapwa mambabatas ang kaniyang isinusulong na panukala.
“It is my sincere hope that this privilege speech would be but the first step in unlocking a more enlightened and inclusive path for our graduates and professionals,” pahayag ni Cong. Daza.