Hinimok ni House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district Representive Joey Salceda ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na paigtingin ang kampanya laban sa shuttered electronic cigarette brand na “Flava,” kasunod ng inilabas na closure order ng Department of Trade and Industry (DTI).
Banat ni Salceda sa BIR kung gumalaw kaagad ang ahensiya ay matagal na sanang napasara ang Flava.
Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas, dapat sinisiguro ng BIR na hindi na ito naglalabas ng manufacturing licenses sa mga kumpanya na walang malinaw na kapasidad para makapag manufacture ng vape.
Ipinunto ni Salceda naisyuhan pa rin ng lisensiya ang Flava para makapag manufacture ng kanilang produkto sa kabila na ang ibinigay na address ng kumpanya ay isang residential.
“It should have been a red flag, and indeed it was. It was what the BOC used as basis for raiding suspected warehouses,” pahayag ni Salceda.
Sinabi rin ni Salceda na “ang patuloy na operasyon ng kumpanya sa loob ng ilang buwan nang hindi nagtatalaga ng revenue officer on premise (ROOP) ay isang lapse sa panig ng BIR.”
Dagdaga pa ni Salceda, ang lahat ng mga tagagawa ng excisable products ay may nakatalaga na ROOP upang siyasatin ang mga pag alis ng mga kalakal mula sa kanilang manufacuring facilities.
Sinisiguro din nito ang mga buwis ay binayaran bago inilabas para sa pagbebenta.
Sa kaso ng Flava, hindi mapangalanan ng BIR representative sa pagdinig sa Kamara kung sino ang ROOP na nakatalaga.
Dapat din ay na-red flag na sa kabila ng paglaganap ng mga produkto ng Flava, hindi rin ito qualified bilang Large Taxpayer batay sa isinumiteng dokumento sa BIR.