Nangako ngayon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na top priority pa rin nila ang solid waste management para maabot ang kanilang target na pag-apruba ng 10-year solid waste management plans (SWMPs) sa mas maraming local government units (LGUs) nationwide.
Bilang chair ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC), magpo-focus daw ang DENR, sa pagkakaroon ng 185 LGUs ng aprubadong 10-year SWMPs sa katapusan ng 2022 bilang pagsunod sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Noong buwan ng Pebrero, mayroon nang kabuuang 1,175 SWMPs mula sa target na 1,716 na plans ang aprubado ayon sa ulat ng DENR.
Kabilang sa mga bagong aprubado ng NSWMC ang SWMPs ng Magallanes, Sorsogon; Balbalan, Kalinga; Pontevedra, Negros Occidental at Abra.
Ang 10-year SWMP ay isang requirement sa ilalim ng RA 9003 para sa epektibong management ng solid waste sa mga siyudad at munisipalidad.
Naglalaman ito ng mga istratehiya sa wasyong pagkolekta ng mga basura, diversion at disposal.
Kabilang din dito ang tamang operation at maintenance ng solid waste equipment at facility.