-- Advertisements --

NAGA CITY – Umaasa ngayon ang Southern Luzon Command (SOLCOM) na walang manyaring encounter sa pagitan ng mga rebeldeng New People’s Army NPA at mga tropa ng militar sa Batangas.

Ito ay may kaugnayan sa operasyon na isinasagawa ng militar sa Batangas sa gitna ng patuloy na pag-alburuto ng Taal Volcano.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Col. Dennis Cana, tagapagsalita ng SOLCOM, sinabi nitong umaasa silang hindi mananamantala ang mga kasapi ng rebeldeng grupo.

Ayon kay Cana, mahigpit ang kanilang sinusunod na security measures sa mga lugar na apektado nang pagsabog ng Taal.