-- Advertisements --
Gusto pa rin umano ipagpatuloy ng South Korea ang kahit anong linya ng komunikasyon sa pagitan nito ng ng North Korea.
Ito ang naging tugon ng Seoul sa naging anunsyo ng Pyongyang na puputulin nito ang lahat ng communication channels sa South.
Ikinagalit kasi ng Pyongyang ang pamimigay ng leaflets kung saan puno ito ng kritisismo laban kay North Korean leader Kim Jong Un.
Ayon sa nasabing bansa, bilang paunang hakbang ay ihihinto na nito ang lahat ng komunikasyon sa inter-Korean liaison office, military hotlines at sa pagitan ng North Korea’s ruling Worker’s Party at South Korean presidential office.
Patuloy naman na imomonitor ng defense ministry ng South Korea ang sitwasyon.