Inanunsyo ng South Korea na maaari nang magsumite ng online arrival cards ang mga foreign visitors hanggang tatlong araw bago pumasok sa kanilang bansa.
Layunin ng bagong hakbang na pabilisin ang proseso sa immigration at dagdagan ang kaginhawaan para sa mga dayuhang bibisita.
Bukod dito dapat ding mag-fill out ng mga arrival card ang mga dayuhan pagdating nila sa mga paliparan ng South Korea, na siya namang mano-manong in-scan ng mga immigration officer.
Ito’y kasunod ng desisyon nang Ministry of Justice ng SoKor na ipatupad ang electronic arrival cards upang mapabilis ang proseso sa mga immigration desk at mabawasan ang pagkaantala sa mga biyahero.
Kaugnay pa nito ang online system ay magiging obligado para sa lahat ng nananatili sa South Korea ng 90 araw o mas maikli, ngunit tatanggapin pa rin ang parehong papel at electronic arrival cards hanggang katapusan ng taong 2025 upang maiwasan ang kalituhan sa para sa bagong sistema.
Maaaring ma-access at isumite ang e-arrival card sa website nito na http://www.e-arrivalcard.go.kr.