-- Advertisements --
Bukas ang Australia at China na ipagkaloob sa Pilipinas, na itinuturing nilang kaibigan, ang sobrang supply ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., malaki ang naging allowance ng mga bansang ito kaya inaasahang may mga lalabis na bakuna, na baka masayang kung hindi magagamit.
Dahil dito, tuloy-tyuloy na ang pakikipag-coordinate ng gobyerno ng Pilipinas sa mga opisyal ng Australia at China.
Tiniyak naman ni Galvez na regular nilang iuulat kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Inter-Agency Task Force ang magiging development sa isyung ito.










