Gagamitin ng pamahalaan ang sobra sa taripang makokolekta sa mga inaangkat na bigas bilang pondo sa unconditional cash transfer program para sa mga maliliit na magsasaka na apektado nang pagbulusok ng presyo ng palay.
Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na pitong buwan matapos na maipatupad ang Rice Tariffication Law ay nakolekta na ang P10-billion na naka-earmarked kada taon para Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
May sobra pa aniya sa nakilom na taripa na nagkakahalaga ng P1.4 billion hanggang noong Oktubre 31.
Nabatid na ang mga magsasakang may dalawang ektaryang lupain at pababa ay magbebenepisyo sa unconditional cash transfer program na ngayong taon ay paglalaanan ng P3 billion at P3 billion din sa 2020.
Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Agriculture Sec. William Dar na 600,000 small rice farmers ay bibigyan ng P5,000 bawat isa sa ilalim ng programang ito.
Ayon kay Dominguez, sinabi ni Dar na mayroon nang listahan ang Department of Agriculture para sa mga benepisyaryo ng programa.