Pumanaw ang sikat na snooker player sa buong mundo na si Willie Thorne sa edad 66.

Ayon sa tagapag-alaga nito na si Julie O’ Neil, na hindi na nito nakayanan ang kaniyang pakikipaglaban sa sakit nitong Leukemia.

Mula noong Lunes ay nasa coma na ito sa intensive care unit at nitong Miyerkules ay tinanggal na ng doctor ang kaniyang machines.

Dekada ’80 ng sumikat ang British snooker player at kinikilala ito ng World Snooker Tour (WST) na pinakamagaling na manlalaro.

Nakilala ito sa kaniyang mga trick shots kung saan hinangaan ito ng mga fans.

Nagtrabaho ito bilang sa television commentator sa loob ng 30 taon at lumabas din ito sa 2007 UK celebrity ballroom dancing show na “Strictly Come Dancing”.

Nabaon ito sa utang kung saan umabot sa mahigit $1.26 million ang kaniyang naging utang dahil sa pagkalulong sa sugal.